BF: Hi baby!
GF: Hello baby.
BF: Kamusta ka na?
GF: Ayus lang.
BF: Matamlay ka ata ngayon?
GF: Napansin mo pala. 
BF: May problema ba?
GF: Wala naman. Wala. Kalimutan mo na ‘yun.
BF: Ano ba kasi ‘yun? May sakit ka ba? Ano masakit sa’yo baby? Nagaalala ako sa’yo.
GF: *umiyak* Bumalik na siya. Bumalik na ang ex ko. Kinausap niya ako. Humingi siya ng tawad sakin at gusto niya maging kami ulit.
BF: *tumahimik*
GF: Magsalita ka naman. Galit ka ba? Ipaglalaban mo ba ko?
BF: Mahal mo paba siya? Minahal mo ba talaga ako?
GF: *hindi makasagot*
BF: Sige hahayaan muna kita. Alam kong nalilito pa ‘yang puso mo. Basta tandaan mo na nandito lang ako kung sakaling ako ang pipiliin mo. Sana maalala mo kung gaano ka kasaya sa piling ko nung nawala siya, na ako ang nagpasaya sa’yo noong panahon na malungkot ka dahil iniwan ka niya, sana maalala mo na mahal na mahal kita, kung siya ang pipiliin mo, hahayaan nalang kita at asahan mong kahit kailan hindi ako magpaparamdam sa’yo. Kung sakaling siya ang piliin mo sana maging masaya kayo.

Lesson: Huwag makikipag-relasyon kung hindi ka pa nakaka-move on, kung hindi ka pa handa. Unfair ka, parang ipapasa mo lang sa iba yung sakit na dinadanas mo. Masakit maiwan sa ere at makitang bumalik ka sa taong minsan ka nang sinaktan.

#drama101  

Good Evening! KV. Every night tumatawag siya. Tapos kani-kanina lang kausap ko siya. Sabi niya, "Galit ka ba? Iba kasi tono ng boses mo eh. Uyyy" Ang cute niya lang <3

CMFA’s ♡

No hate pls. Haha 😂😂 #kunyarekamukha

No hate pls. Haha 😂😂 #kunyarekamukha

Bati na kami ni BG <3 Hayy ang sarap sa feeling. Para akong nabunutan ng buto sa dibdib. Tapos si Negs, nagpapakilig nanaman. Kainis. Hahaha lande. Oh well, bahala na kung ano mangyari samin. Lol what! =))

Good Afternoon!

Stress na stress nko :( pero buti nalang kahit papano kanina nilapitan ako ni crush tapos minasahe pko sa likod. Grabe daw yung pula ko. Jusko <3

Make the best happen.

Tapos na Prelims namin pero may ipapasa pa ding plate. Ano ‘to? Hahaha. Akala ko yolo na huhu. Any, goodmorning!

Walang “Igi” na pangalan dun sa Coke. Wala akong mahanap :( Guys, hanapan niyo ko. Birthday gift ♡ hahaha

Pwede ko na atang sabihin na okay na ko.

Walang pasok Laguna bukas. Pwede ba pati yung mga nakatira sa Laguna walang pasok kahit sa Manila nagaaral? Pwede ho ba ‘yun? Hahaha please. Katamaran101 lol.

Yung makikita mo yung mga kapatid mo bukas na ang himbing ng tulog samantalang ikaw, kara-karaka kung kumilos. Hahaha

OPM Songs <3 sinipag na din maglagay ng music sa blog. Hihi :* Kaso medyo madrama yung iba haha

Tuesdate ♥

Ramdam ko ng masususpend klase. Kaya petiks yung kilos ko. Hahaha. Kahit may quiz kami sa BU. Sa bus ako nagaral. Hahaha bahala na <3 16/20 pa ko guys. Sorry not sorry. Pag madaliang aral talaga, nagana utak ko. Hahaha. Nagtext yung AdU na magsususpend daw sila ng 12NN. So, mga barkada ko tinext ko na. Sabi ko dalawin namin mga friends namin sa NU.

Infairness, ang cool ng mga tao sa NU. Ang daming pwedeng… hahaha what! 

After that, nagpunta kami sa SM Manila para magligalig at bumili ng mga damit. Shet ang payat ko na. Large to Medium. Hooray! Next goal: Extra small <3

Kaya mo bang mag-let go sa taong ayaw mong layuan pero kailangan?

image

(tinext ko pa sarili ko para lang may picture. Kunyare totoo haha)

Hmm, Ang sarap ma-inlove no? Lalo na kung yung mahal mo mahal na mahal ka. Yung parang mangangarap ka ng future niyo kahit mga estudyante pa lang kayo. Mangangarap ka na sana palagi mo siyang kasama. Yung makita mo lang siya ngumiti ang saya-saya mo na. Akala mo forever na magiging kayo, pero di naman lahat ng relasyon mayroong happy ending tulad ng mga napapanood natin sa Disney Channel. Dahil paminsan-minsan ang puso ay napapagod at kailangan din magpahinga. Mahirap man tanggapin pero kailangan mong harapin ang katotohanan na wala na talaga… na ang lahat ay may hangganan. Dahil kung minsan ang pagmamahal niya sa’yo ay mawawala rin.

"Break na tayo."

"It’s over."

"Ayoko na."

"Pagod na ako."

Ganito ba dapat sa isang relasyon? Bakit laging may maiiwan? May mang-iiwan? At palaging may masasaktan? Yung akala mo siya na. Pero sasaktan at iiwan ka din pala niya. Kung pwede lang ba wag na magmahal para wala na rin nasasaktan. Pwede nga kaya ‘yun?

May mga bagay na mahirap ng ibalik. Mga kalandian at maliligayang araw na kasama mo siya. Ang sakit isipin diba? Lalo na kapag naaalala mo. Ang mga pangako niyo sa isa’t isa bigla nalang maglalaho. Yung tipong gusto mo pang ilista lahat ng bagay na nais niyong gawin. Hayyy

Paano ka makakapag-move on kung sa bawat bukas mo ng Facebook lagi mong tinitingnan profile niya. Lagi mong tinitingnan pictures niya sa Instagram. At binabasa bawat tweet niya sa Twitter. Bakit ka pa aasa kung para sa kanya nakaraan ka nalang?

"Ayoko na. Ang sakit sakit na. Pagod na ako."

Diba madaling sabihin? Pero ang hirap kasi lagi mo pa din siya naaalala. Buburahin mo cellphone number niya, memorize mo naman. Bawat bagay na maalala mo, maiiyak ka nanaman. Habang nagpapakatanga ka sa kanya, siya naman ‘tong nagpapakasaya at nagmamahal ng iba.

Kung gusto mo na talaga siyang makalimutan, putulin mo lahat ng koneksyon niyo. And be with others. Humanap ka ng mga bagay na pwede mong pagkaabalahan or di kaya makipagkita ka sa mga kaibigan mo.

Nakakamiss yung mga taong minsan ng nagpasaya sa atin. Malay mo isang araw, malalaman mo nalang na nakalimutan mo na pala siya. Mapapangiti ka nalang kasi nagawa mo siya kalimutan sa tulong ng mga bagay na pinagkaabalahan mo at ng mga kaibigan mo.

PS. Wag masyadong magmadali maghanap ng pagibig. True love waits ika nga.

Jgh! Woo init sa labas :(

Welcome home baby <3

#Arki